Mga sintomas at kailan hihingi ng tulong

Alamin ang tungkol sa banayad at katamtamang mga sintomas ng COVID-19, na karaniwang maaari mong gamutin sa bahay. Maaaring hindi alam ng ilang tao na mayroon silang COVID-19.
Pindutin ang link sa ibaba ng pahinang ito para sa listahan ng lahat ng karaniwang sintomas ng COVID-19. Kung hindi ka sigurado kung ano ang dapat gawin, gamitin ang COVID-19 Symptom and Antiviral Eligibility Checker.
Ano ang kailangan mong malaman
Ang mga banayad na sintomas na karaniwang napamamahalaan sa bahay ay maaaring kabibilangan ng sipon, masakit na lalamunan, ubo, mga kirot at pananakit, sakit ng ulo, lagnat (mataas na temperatura) at pagkapagod.
Ang mga bakunadong tao na karaniwang malusog ay inaasahang magkaroon ng kombinasyon ng mga banayad na sintomas na ito at hindi nangangailangan ng medikal na tulong.
Ang mga sintomas sa mga bata at sanggol ay karaniwang mas banayad kaysa sa mga taong nasa hustong gulang. Ang ilang nahawaang bata ay maaaring hindi magpakita ng anumang palatandaan na may sakit sila.
Ang mga sintomas ay karaniwang tumatagal nang humigit-kumulang 5-7 araw. Maaaring magbago ang mga ito sa kabuuan ng iyong karamdaman habang ang virus ay naglalakbay sa iyong katawan.
Ang ilang mga sintomas ay maaaring magtagal, at maaaring tumagal ng ilang linggo bago mo maramdaman na sapat na mabuti na ang iyong pakiramdam upang ipagpatuloy ang mga normal na aktibidad.
May iba pang mga tanong tungkol sa COVID? Magkaroon ng paglilinaw sa COVID
Gamitin ang COVID-19 Symptom and Antiviral Eligibility Checker upang malaman kung kailangan mong humingi ng medikal na tulong.
Tawagan ang National Coronavirus Helpline sa 1800 020 080 sa anumang oras na kailangan mo ng payo.