Paggamot ng mga sintomas sa bahay

Ang mga taong may banayad na sakit ay karaniwang ginagamot ang kanilang mga sintomas at nagpapagaling sa bahay.
Maaari mong gamutin ang mga banayad na sintomas ng COVID-19 katulad kung paano mo gagamutin ang trangkaso. Ang pahinga ay tumutulong sa iyong katawan labanan ang mga virus at ang mga pampahupa ng pananakit na mabibili nang walang reseta ay maaaring magpaginhawa ng 'di magandang pakiramdam na dulot ng lagnat o mga kirot at pananakit.
Ano ang kailangan mong malaman
Kung ikaw ay may mga banayad na sintomas ng COVID-19, dapat kang magpahinga at manatiling umiinom nang sapat na dami ng tubig. Ang maikling panahong paggamit ng mga pampahupa ng kirot katulad ng paracetamol o ibuprofen ay maaaring magpahupa sa pananakit.
Ang mga gamot katulad ng mga antibiotic, ivermectin at hydroxychloroquine ay hindi epektibo laban sa COVID-19 at hindi aprobado para sa paggamot ng COVID-19 sa Australia.
Hindi ka dapat bumili ng anumang gamot, kabilang ang ivermectin, mula sa mga hindi na-verify na website dahil maaaring mailagay ka nito sa malalang panganib dahil sa hindi kanais-nais na mga reaksyon.
Ang mga taong may mga malulubhang sintomas ng COVID-19 ay maaaring mangailangang gamutin sa ospital gamit ang mga corticosteroid, antiviral katulad ng remdesivir at iba pang mga gamot, depende kung gaano kalubha ang mga sintomas nila.
Kung ikaw ay may anumang ikinababahala o mga katanungan tungkol sa mga gamot o kung paano gamutin ang iyong mga sintomas, kontakin ang iyong general practitioner (GP).
May iba pang mga tanong tungkol sa COVID? Magkaroon ng paglilinaw sa COVID
Gamitin ang COVID-19 Symptom and Antiviral Eligibility Checker upang malaman kung kailangan mong humingi ng medikal na tulong.
Tawagan ang National Coronavirus Helpline sa 1800 020 080 sa anumang oras na kailangan mo ng payo.