Kailan at paano magpasuri

Ang tanging maaasahang paraan para malaman kung mayroon kang COVID-19 ay ang magpasuri. Dalawang uri ng mga pagsusuri ang inirerekomenda sa Australia:
• Ang mga pagsusuring polymerase chain reaction (PCR) ay ginagawa sa pamamagitan ng iyong GP o sa isang klinik. Ang mga ito ay mas eksakto, subalit ang mga resulta ay nangangailangan ng 1-3 araw bago malaman.
• Ang mga Rapid Antigen Test (RATs) ay maaaring bilhin mula sa mga botika, supermarket o online. Maaari itong gawin kahit saan, kabilang ang tahanan, at malalaman ang mga resulta sa loob ng 15-20 minuto.
Ano ang kailangan mong malaman
Dapat kang magpasuri kung mayroon kang anumang mga sintomas ng COVID-19 kahit na banayad ang mga ito.
Dapat ka ring magpasuri kung itinuturing kang malapitang kontak ng taong may COVID-19.
Kung nagkaroon ka na ng COVID-19, dapat kang magpasuri kung mayroon kang bagong mga sintomas nang hindi kukulangin sa 4 na linggo matapos kang gumaling.
Isaalang-alang rin ang pagsasagawa ng isang rapid antigen test kung bibisita ka sa isang pasilidad sa pangangalaga ng matatanda, makikipagkita sa isang tao na may kronik na kondisyon o dadalo ka sa isang pagdiriwang o salu-salo.
Dapat kang magpasuri kung bahagi ito ng programa sa screening ng COVID para sa iyong paaralan o tagapag-empleyo.
May iba pang mga tanong tungkol sa COVID? Magkaroon ng paglilinaw sa COVID
Gamitin ang COVID-19 Symptom and Antiviral Eligibility Checker upang malaman kung kailangan mong humingi ng medikal na tulong.
Tawagan ang National Coronavirus Helpline sa 1800 020 080 sa anumang oras na kailangan mo ng payo.