Suporta para sa mga taong may COVID

Kung nag-isolate ka sa bahay at ikaw ay mahina ang katawan o matandang Australyano na may COVID-19, may makukuha kang tulong.
Maraming pansuportang serbisyo na makakapaghatid ng mga gamot at bilihin sa iyong bahay. Makakagamit ka rin ng suporta sa kalusugang pangkaisipan.
Ano ang kailangan mong malaman
Kung mag-isa ka lang sa bahay, hilingin sa pamilya, mga kaibigan o mga kapitbahay na magdala ng mga mahahalagang supply katulad ng mga groseri at gamot.
Ang pansamantalang Home Medicines Service ng Pamahalaan ng Australia ay nangangahulugang ang mga medikasyon na nasa Pharmaceutical Benefits Scheme (PBS) ay maaaring ihatid sa mga karapat-dapat na tao na may COVID-19 sa bahay nang isang beses bawat buwan. Ang botika sa iyong komunidad ay makakapagpaliwanag kung paano gagamitin ang serbisyo.
Maaari kang mag-order ng mga bilihin online. Karamihan sa mga malalaking supermarket ay nag-upgrade sa kanilang mga online delivery service upang bigyang prayoridad ang mga taong nag-isolate.
Ang mga pakiramdam ng pagkabalisa, pagkabagabag at pag-aalala ay normal. Maaaring makatulong ang pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan at pamilya. Bilang alternatibo, makipag-usap sa iyong GP tungkol sa pag-akses sa libre o murang suporta sa kalusugang pangkaisipan.
Ang Older Persons COVID-19 Support Line ay nagbibigay ng impormasyon at suporta sa mga matatandang Australyano, kanilang mga pamilya at tagapag-alaga. Tumawag sa 1800 171 866, Lunes hanggang Biyernes, mula 8:30 am hanggang 6:00 pm.
May iba pang mga tanong tungkol sa COVID? Magkaroon ng paglilinaw sa COVID
Gamitin ang COVID-19 Symptom Checker upang malaman kung kailangan mong humingi ng medikal na tulong.
Tawagan ang National Coronavirus Helpline sa 1800 020 080 — pindutin ang 8 upang makakuha ng impormasyong pangkalusugan sa iyong wika.