Proteksiyon mula sa COVID

Kahit na nahawa ka na sa virus noon, maaari mong protektahan ang iyong sarili at iyong mga mahal sa buhay mula sa COVID-19.
Kagaya ng maraming virus, ang pag-iwas at pagpapabakuna ang pinakamabuting paraan upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. Naririto ang ilang mga simpleng hakbang upang labanan ang COVID-19.
Ano ang kailangan mong malaman
Sinasanay ng mga pagbabakuna ang iyong immune system upang mabilis na makilala at patayin ang mga virus na katulad ng COVID-19. Maaari rin itong tumulong upang pigilan ka na magkasakit nang husto kung mahawaan ka man ng COVID. Ang mga booster ay nagdaragdag ng isa pang patong ng proteksiyon, na maaaring bumaba sa paglipas ng panahon.
Kahit na nagkaroon ka na ng COVID-19, dapat ka pa ring magpabakuna. Ang karamihan ay dapat maghintay ng hanggang 3 buwan bago muling makapagpabakuna pagkatapos gumaling.
Ugaliin ang mabuting kalinisan sa pamamagitan ng regular na paghuhugas ng iyong mga kamay nang hindi bababa sa 20 segundo gamit ang sabon at tubig. Bilang alternatibo, gumamit ng alcohol-based na hand sanitizer. Palaging takpan ang iyong ilong at bibig ng tissue o iyong siko kung umuubo o bumabahing.
Manatiling hindi bababa sa 1.5 metro mula sa ibang tao (pisikal na pagdistansiya) at iwasan ang mga lugar na siksikan ang mga tao kung posible, dahil ang malapitang kontak ay nagdadagdag sa panganib ng transmisyon ng COVID-19.
Magsuot ng mask, lalung-lalo na kapag siksikan ang mga tao, sa mga lugar na masisikip at walang bintana o sa pampublikong transportasyon.
Iwasan ang kontak sa mga taong may sakit at kung pakiramdam mong may sakit ka, manatili sa bahay.
May iba pang mga tanong tungkol sa COVID? Magkaroon ng paglilinaw sa COVID
Gamitin ang COVID-19 Symptom and Antiviral Eligibility Checker upang malaman kung kailangan mong humingi ng medikal na tulong.
Tawagan ang National Coronavirus Helpline sa 1800 020 080 sa anumang oras na kailangan mo ng payo.