Ihanda ang iyong tahanan para sa COVID

Kung ang isang sambahayan o miyembro ng pamilya ay nasuri na positibo para sa COVID-19 kailangan mong mag-set up ng lugar o silid kung saan puwede silang mag-isolate kung maaari.
Ang lahat ng nasa bahay ay kailangang mag-ingat agad-agad, kung kaya't mabuti na bumili ng mga gamot, mga produktong panlinis at esensiyal na bilihin nang maaga.
Narito ang ilang tip upang tulungan kang maghanda at manatiling ligtas.
Ano ang kailangan mong malaman
Ang taong may COVID-19 ay dapat may matutulugang silid na nakahiwalay, at may mabuting bentilasyon — na may akses sa isang hiwalay na banyo kung maaari.
Dahil ang mga bagay na madalas hawakan — gaya ng mga hawakan ng pinto, pindutan ng ilaw, banyo, gripo at lababo — ay kailangang linisin nang madalas, tiyaking mayroon kang sapat na disinfectant at detergent.
Mag-stock din ng mga mask, sabon, hand sanitizer, mga disposable glove, tissue at gamot na pampahupa ng pananakit tulad ng paracetamol.
Magbigay ng madaling akses sa mga tissue, mga basurahang may plastik at sabon o hand sanitizer na alcohol-based sa iyong tahanan.
Siguraduhing ang taong may COVID-19 ay may sariling pinggan, tasa, kubyertos, tuwalya, kumot at iba pang mga personal na bagay, dahil ang mga ito ay hindi dapat ipamahagi sa ibang tao sa sambahayan.
May iba pang mga tanong tungkol sa COVID? Magkaroon ng paglilinaw sa COVID
Gamitin ang COVID-19 Symptom and Antiviral Eligibility Checker upang malaman kung kailangan mong humingi ng medikal na tulong.
Tawagan ang National Coronavirus Helpline sa 1800 020 080 sa anumang oras na kailangan mo ng payo.