Ano ang gagawin kung mayroon kang COVID

Karamihan sa mga taong naging positibo sa pagsusuri ng COVID-19 ay makakaranas ng mga banayad na sintomas na maaaring magamot sa bahay. Kahit na wala kang mga sintomas, makakatulong ang impormasyong ito upang panatilihin kang ligtas at ang iyong mga mahal sa buhay.
Mahalagang ipaalam sa sinuman na naging kontak mo ang tungkol sa iyong kalagayan. Kung ang iyong mga sintomas ay lumala o kung nababahala ka, kontakin ang iyong doktor.
Ano ang kailangan mong malaman
Kung mahawa ka sa COVID-19, dapat kang manatili sa bahay hanggang sa mawala ang iyong mga sintomas. Puntahan ang website ng inyong departamentong pangkalusugan para sa pinakabagong impormasyon.
Kung banayad ang iyong mga sintomas, makakaya mong magpagaling nang ligtas sa iyong tahanan. Subaybayan at gamutin ang iyong mga sintomas.
Ang ilang tao ay maaaring karapat-dapat para sa mga antiviral na paggamot. Gamitin ang COVID-19 Symptom and Antiviral Eligibility Checker upang tingnan kung ikaw ay maaaring karapat-dapat.
Abisuhan ang sinumang iyong nakasalamuha kamakailan upang masubaybayan nila ang mga sintomas, kabilang ang mga kontak sa sambahayan, pamilya, mga kaibigan at kasamahan sa trabaho.
Kung ikaw ay lampas sa 65 taong gulang, buntis o may nagpapatuloy na kondisyon sa kalusugan, kontakin ang iyong GP o lokal na serbisyong pangkalusugan para sa payo.
Kung lalala ang iyong mga sintomas, gamitin ang COVID-19 Symptom and Antiviral Eligibility Checker upang malaman kung kailangan mo ng medikal na tulong. Kung titindi ang iyong mga sintomas, tumawag sa tripleng zero (000), o pumunta sa departamento ng emerhensiya ng ospital.
May iba pang mga tanong tungkol sa COVID? Magkaroon ng paglilinaw sa COVID
Gamitin ang COVID-19 Symptom and Antiviral Eligibility Checker upang malaman kung kailangan mong humingi ng medikal na tulong.
Tawagan ang National Coronavirus Helpline sa 1800 020 080 sa anumang oras na kailangan mo ng payo.