Subaybayan ang iyong mga sintomas na dulot ng COVID

Karamihan ng mga tao ay kayang pamahalaan ang COVID-19 sa tahanan at maaaring walang mga sintomas o mayroon lamang banayad hanggang katamtamang mga sintomas. Subalit maaaring magbago ang mga sintomas, kung kaya't mahalaga na maunawaan kung ano ang dapat bantayan kung lumubha ang mga ito.
Dapat mong bantayan nang mabuti ang mga katamtamang sintomas at humingi ng medikal na payo kung lumala ang mga ito.
Ano ang kailangan mong malaman
Kabilang sa mga malulubhang sintomas ang kakapusan ng paghinga, kahit nagpapahinga, o hindi makapagsalita ng mga pangungusap, pagkaantok at pananakit ng dibdib na tumatagal nang higit sa 10 minuto. Kung nakakaranas ka ng mga malulubhang sintomas, tawagan ang tripleng zero (000) para sa ambulansiya at sabihin sa kawani na may COVID-19 ka.
Habang may COVID-19 ka, tanungin ang iyong sarili ng mga tanong na ito sa umaga, hapon, at gabi. Nakakakuha ba ako ng sarili kong pagkain? Nakakainom ba ako ng tubig? Nakakapunta ba ako sa banyo sa normal na paraan? Nakakainom ba ako ng aking regular na medikasyon? Kung sumagot ka ng ‘hindi’ sa alinmang mga tanong na ito, tawagan ang iyong GP.
Ang COVID-19 ay isang panrespiratoryong sakit, kung kaya't maaari mong bantayan kung lumalala ka sa pamamagitan ng pagsusuri sa iyong paghinga. Maaaring nabigyan ka rin ng pulse oximeter mula sa iyong GP upang suriin ang bilis ng pintig ng iyong puso at iyong mga lebel ng oxygen.
Magkaroon ng diary upang subaybayan ang iyong mga sintomas at sundin ang iyong plano sa pagkilos para sa COVID-19 kung mayroon ka nito.
Kung ikaw ay may COVID-19 at buntis, may kronik na medikal na kondisyon o nababahala, kontakin ang iyong GP o tawagan ang National Coronavirus Helpline — kahit na ikaw ay may mga banayad na sintomas lamang.
May iba pang mga tanong tungkol sa COVID? Magkaroon ng paglilinaw sa COVID
Gamitin ang COVID-19 Symptom and Antiviral Eligibility Checker upang malaman kung kailangan mong humingi ng medikal na tulong.
Tawagan ang National Coronavirus Helpline sa 1800 020 080 sa anumang oras na kailangan mo ng payo.
Last reviewed: July 2022