Pag-unawa sa pangmatagalang COVID

Bagama't hindi gaanong karaniwan, ang ilang tao ay maaaring magkaroon ng mga pangmatagalang problema sa kalusugan na dulot ng COVID-19. Ang ilang tao ay maaaring magpatuloy na magkaroon ng mga sintomas nang ilang linggo o buwan pagkatapos ng kanilang diagnosis. Kilala ito paminsan-minsan bilang 'long COVID' (pangmatagalang COVID), or 'post COVID-19 condition' (kondisyong pagkatapos magkaroon ng COVID-19).
Patuloy pang isinasagawa ang mga pag-aaral upang maunawaan kung bakit ang ilang tao ay nagkakaroon ng pangmatagalang COVID at ang iba ay hindi.
Ano ang kailangan mong malaman
Ang long COVID (pangmatagalang COVID) ay paminsan-minsang kilala rin bilang post-COVID condition (kondisyon pagkatapos magkaroon ng COVID). Ito ay tuwing ang mga sintomas ng COVID-19 ay nananatili, o nagpapakita makalipas ang mahabang panahon pagkatapos ng iyong matinding karamdaman. Ang mga sintomas na ito ay maaaring tumagal nang ilang linggo o paminsan-minsang ilang buwan.
Ang pinakakaraniwang mga sintomas ng pangmatagalang COVID ay kinabibilangan ng pagkahapo, mga sakit ng ulo, nagpapatuloy na ubo, pagkahilo, kakapusan ng paghinga, insomnia at brain fog. Ang ilang taong may pangmatagalang COVID ay maaaring makaranas ng mababang lagay ng kalooban at pagkabalisa.
Ang mga taong may mga pinakapangunahing kondisyon, katulad ng diabetes, labis na katabaan, sakit sa baga, sakit sa puso o altapresyon ng dugo, ay mas inaasahang magkaroon ng mga pangmatagalang komplikasyon mula sa impeksyon ng COVID-19.
Ang pangmatagalang COVID ay maaaring ma-diagnose ng isang GP. Maaari nilang gawin ito sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga sintomas na nararanasan pa rin ng isang tao pagkatapos gumaling mula sa matinding karamdaman.
Upang makatulong na pamahalaan ang pangmatagalang COVID, mahalagang ayusin ang iyong buhay upang maiwasang mapagod ang iyong sarili. Ipunin ang iyong lakas at magpahinga nang madalas. Ang ilang mga sintomas ay maaaring matulungan ng paggamot.
May iba pang mga tanong tungkol sa COVID? Magkaroon ng paglilinaw sa COVID
Gamitin ang COVID-19 Symptom and Antiviral Eligibility Checker upang malaman kung kailangan mong humingi ng medikal na tulong.
Tawagan ang National Coronavirus Helpline sa 1800 020 080 sa anumang oras na kailangan mo ng payo.
Last reviewed: July 2022