Paano at saan mag-a-isolate

Kung ikaw ay may COVID-19, dapat kang manatili sa bahay hanggang sa mawala ang iyong mga acute na sintomas. Subukang iwasan ang kontak sa mga miyembro ng sambahayan kung maaari.
Kung kinakailangang umalis ng bahay, magsuot ng face mask at panatilihin ang distansiya sa iba.
Puntahan ang website ng inyong departamentong pangkalusugan para sa pinakabagong impormasyon.
Ano ang kailangan mong malaman
Habang ikaw ay naka-isolate, hiwalay sa miyembro ng iyong sambahayan, matulog sa silid na may mabuting bentilasyon at gumamit ng hiwalay na banyo kung maaari.
Huwag pahintulutan ang mga bisita sa iyong bahay, maliban kung para sa medikal o personal na pangangalaga.
Linisin ang mga bagay na palaging hinahawakan — katulad ng mga hawakan ng pinto, mga aparato at mga benchtop — gamit ang detergent at mainit-init na tubig bago mag-disinfect dahil ang dumi at dungis ay maaaring makaapekto sa husay ng disinfectant. O, gumamit ng 2-in-1 na produkto na may kapwa panlinis at pag-disinfect na katangian.
Kung nakatira ka sa isang apartment na gusali, manatili sa iyong unit. Huwag gumamit ng mga pasilidad na ginagamit ng lahat, katulad ng laundry o foyer. Kontakin ang tagapamahala ng gusali tungkol sa pagkolekta ng basura. Ang mga delivery ay dapat iwan sa labas ng iyong pinto at kukunin lamang kapag walang sinuman sa koridor.
Kapag nag-isolate nang mag-isa, humingi ng suporta, katulad ng mula sa kamag-anak o kaibigan, na regular na makikipag-ugnayan sa iyo. Subalit, hindi sila dapat bumisita maliban sa pag-iwan ng mga binili, gamot o mga supply sa labas ng iyong pinto.
May iba pang mga tanong tungkol sa COVID? Magkaroon ng paglilinaw sa COVID
Gamitin ang COVID-19 Symptom and Antiviral Eligibility Checker upang malaman kung kailangan mong humingi ng medikal na tulong.
Tawagan ang National Coronavirus Helpline sa 1800 020 080 sa anumang oras na kailangan mo ng payo.