Ang panahon na nakakahawa ka

Maaaring iba-iba ang panahon na nakakahawa ang COVID-19 ngunit karamihan sa mga tao ay itinuturing na nakakahawa mula 48 oras bago magsimula ang kanilang mga sintomas.
Ang mga panahon ng pag-isolate ay mga patnubay dahil iba-iba ang epekto ng sakit sa bawat tao. Kung may mga sintomas ka pa, maaaring nakakahawa ka pa rin.
Ano ang kailangan mong malaman
Ang mga taong mayroon pa ring acute na panrespiratoryong sintomas, katulad ng lagnat, ubo, kakapusan ng paghinga o namamagang lalamunan, pagkatapos ng 7 araw ay itinuturing pa ring nakakahawa.
Naipapasa ang COVID-19 sa pamamagitan ng pag-ubo, o sa pamamagitan ng kontak sa kamay, o mga bagay na kontaminado ng virus. Habang mayroon kang mga sintomas, at kaagad pagkatapos, panatilihin ang iyong distansya mula sa ibang tao, hugasan ang iyong mga kamay at takpan ang iyong bibig gamit ang iyong siko kung mayroon kang nagpapatuloy na ubo.
Ang COVID-19 ay maaaring mabilis na kumalat at mas nakakahawa kaysa sa trangkaso.
Kung 7 araw na ang lumipas at may mga acute na panrespiratoryong sintomas ka pa rin (katulad ng ubo, sipon, o namamagang lalamunan) mula noong una mong positibong pagsusuri, dapat kang patuloy na mag-isolate hanggang sa mawala ang mga sintomas na ito.
KARAGDAGANG IMPORMASYON TUNGKOL SA MGA PANAHON NA NAKAKAHAWA
May iba pang mga tanong tungkol sa COVID? Magkaroon ng paglilinaw sa COVID
Gamitin ang COVID-19 Symptom and Antiviral Eligibility Checker upang malaman kung kailangan mong humingi ng medikal na tulong.
Tawagan ang National Coronavirus Helpline sa 1800 020 080 sa anumang oras na kailangan mo ng payo.
Last reviewed: July 2022