Paggaling mula sa COVID

Ang mga sintomas ng COVID at tagal ng panahon sa paggaling ay iba-iba sa bawat tao. Maaaring hindi alam ng ilang tao na mayroon silang COVID-19, habang ang iba ay kailangang gamutin sa ospital.
Sa pangkalahatan, karamihan ng mga taong may banayad na mga sintomas ay gagaling sa loob ng ilang araw — lalo na kung sila ay ganap na nabakunahan.
Ano ang kailangan mong malaman
Maaaring iba-iba ang panahon na nakakahawa ang COVID-19 ngunit karamihan sa mga tao ay itinuturing na nakakahawa mula 48 oras bago magsimula ang kanilang mga sintomas. Ang mga taong may banayad na mga sintomas ay karaniwang itinuturing na gumaling pagkatapos ng 7 araw, kapag huminto na ang kanilang mga sintomas.
Ang mga sintomas sa mga bata at sanggol ay karaniwang mas banayad kaysa sa mga taong nasa hustong gulang. Ang ilang nahawaang bata ay maaaring hindi magpakita ng anumang palatandaan na may sakit sila.
Bagama't hindi gaanong karaniwan, ang ilang mga tao ay maaaring magkaroon ng mga pangmatagalang problema sa kalusugan na dulot ng COVID-19 na nagpapatuloy sa loob ng 2 hanggang 8 linggo pagkatapos ng impeksyon.
Maaari kang magkaroon ng mahinang positibong resulta ng pagsusuri sa COVID-19 pagkatapos mong gumaling, dulot ng hindi nakakahawang mga piraso ng virus sa iyong katawan. Ang mga karagdagang pagsusuri ay magkukumpirma na hindi ka na nakakahawa.
Maaari kang magsimulang mag-ehersisyo muli kung mayroon kang hindi bababa sa 7 araw na walang mga sintomas. Magsimula sa 15 minutong magaan na aktibidad katulad ng paglalakad at tingnan kung ano ang iyong nararamdaman. Kung ikaw ay may pananakit sa dibdib o mga palpitasyon nang higit sa 10 minuto, kontakin kaagad ang doktor.
May iba pang mga tanong tungkol sa COVID? Magkaroon ng paglilinaw sa COVID
Gamitin ang COVID-19 Symptom Checker upang malaman kung kailangan mong humingi ng medikal na tulong.
Tawagan ang National Coronavirus Helpline sa 1800 020 080 — pindutin ang 8 upang makakuha ng impormasyong pangkalusugan sa iyong wika.